Krista camp hopes Pacman's denial will put issue to rest
Pagkatapos humingi ng paumanhin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa pamilya Ranillo dahil sa pagkakaugnay niya kay Krista Ranillo, nagbigay naman ng official statement ang manager ng aktres na si Arnold Vegafria.
Sa ipinadalang pahayag ni Vegafria sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, November 23, pinuri ng talent manager ang ginawang paumanhin ni Manny sa pamilya ni Krista. Umaasa rin ang manager ni Krista na sa pamamagitan ng "denial" na ito ni Manny ay matigil na raw ang isyu na nag-uugnay sa boksingero at sa aktres.
Wala rin daw basehan ang mga balitang ito tungkol kina Krista at Manny na nagdulot ng matinding pighati sa Ranillo family.
Narito ang kabuuan ng official statement ni Vegafria:
"I'm glad that Manny took the initiative in issuing an apology to the Ranillo family, who has been suffering from anguish because of all the unfounded rumors linking him to Krista. I also hope that his denial will finally put the issue to rest. For what he just did, I commend Manny for being not just a legendary boxing hero but a true gentleman even outside the ring."
Bago pa man ang pahayag na ito ni Vegafria ay nauna nang nagsalita ang mga kamag-anak ni Krista upang ipagtanggol ang aktres. Sa magkakahiwalay na pagkakataon at paraan ay nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III, ang kanyang lola na si Gloria Sevilla, at ang kanyang tiyahin na si Suzette Ranillo.
Lahat sila ay nagsabing hindi muna dapat hinuhusgahan ng mga tao si Krista dahil hindi naman daw nila alam ang katotohanan sa isyung ito.
THE RUMORED AFFAIR. Hindi maitatangging natabunan ng balita tungkol kina Manny at Krista ang pagwawagi ng Pambansang Kamao kontra kay Miguel Cotto ng Puerto Rico noong November 14 (U.S. time) sa Las Vegas, Nevada. Bago pa man kasi sumabak sa ring si Manny ay mainit na ang usap-usapan sa kanila ni Krista, na sinasabing nagsimula nang magkasama sila sa pelikulang Wapakman.
Marami nang kuwento ang lumabas sa lahat ng klase ng media tungkol sa diumano'y relasyon nina Manny at Krista.
Nariyan ang pagsasabay daw nila sa eroplano papunta at pabalik ng Hong Kong noong September 2009. Sa isang interview ay inamin ni Krista na nagkita sila ni Manny sa Hong Kong, pero magkaibigan lamang daw sila ni Pacman.
THE BAGUIO SIGHTINGS. Nabalita rin ang pagpunta ni Krista sa training ni Manny sa Baguio noong buwan ng Oktubre. At napatunayan ito sa mga naglalabasang mga litrato ngayon sa Internet blogsites kung saan makikita na magkasama nga sina Manny at Krista.
Kasama sa mga litratong lumabas ang ilang kuha kung saan magkatabi sina Manny at Krista habang nasa isang mesa at kumakain. Makikita rin sa mga larawang ito ang ama ni Krista na si Mat Ranillo III.
Pinaniniwalaang parehong araw kinunan ang mga litratong ito nina Manny at Krista, pati na ang kuha kasama si Mat. Sinasabi ring kuha ang mga naturang larawan sa Camp John Hay at Baguio Cathedral.
Sa dahilan kung bakit nandun din sa Baguio si Mat, may reports na lumabas na may balak na namang pasukin ng aktor ang mundo ng pulitika at hinihingi raw nito ang tulong ni Manny.
Magkasama rin sina Manny at Krista nang mamahagi ng relief goods ang Pambansang Kamao para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Patunay nito ang mga larawan na naka-post sa Facebook account ng isang singer-actress na kasama rin nila sa relief operation.
KRISTA IN U.S. Kumpirmado rin ang pagpunta ni Krista at ng kanyang pamilya sa U.S., partikular na sa Los Angeles at sa Las Vegas, noong mga panahong nandun din si Manny para sa kanyang laban kay Cotto. Sinabi ng kampo ni Krista na nagpunta ang aktres sa U.S. upang magbigay ng suporta kay Manny sa kanyang boxing match at para na rin sa pagpapaopera ng bunsong kapatid nito na si Trixie.
Lalong umigting ang balitang may namamagitan diumano kina Manny at Krista nang lumabas ang isang video sa YouTube. Makikita sa video habang paalis ang sasakyan ni Manny pagkatapos ng guesting niya sa talk show na Jimmy Kimmel Live sa Los Angeles. Kitang-kita na may kasamang babae si Manny sa loob ng sasakyan ngunit tinakpan ng babae ang kanyang mukha para hindi makunan ng kamera. May mga naghihinala na si Krista ang kasamang babae ni Manny sa loob ng sasakyan.
Ayon pa sa ilang nakapanood ng video, hindi raw maaaring ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao ang kasama nito sa loob ng sasakyan. Naganap ang interview ni Manny sa Jimmy Kimmel Live noong November 3. Si Jinkee ay dumating sa Los Angeles noong November 9 at, ayon sa ilang sources, si Krista ay dumating doon noong November 1.
Nabalita rin ang pag-aaway diumano nina Manny at Jinkee habang nasa Las Vegas sila. Ayon sa reports, nalaman daw kasi ni Jinkee na pinuntahan ni Manny si Krista sa hotel room nito—ang Luxor Hotel kung saan naka-billet din daw ang Pambansang Kamao at ang entourage nito—sa bisperas ng laban ng boksingero.
Lalong umigting ang hinala ng mga tao na may away nga sa pagitan nina Manny at Jinkee nang umiyak si Jinkee sa Thanksgiving Mass para sa panibagong tagumpay ni Manny. Sa kalagitnaan kasi ng homily o sermon ng pari tungkol sa pamilya at pag-ibig ay bigla na lang tumulo ang mga luha ni Jinkee. Kitang-kita sa kamera nang hawiin ni Jinkee ang mga kamay ni Manny nang subukan ng huli na kalmahin siya.
Nang tanungin ng media pagkatapos ng misa kung bakit umiyak ang kanyang asawa, sinabi ni Manny na na-touch lang si Jinkee sa sermon ng pari at nami-miss na nito ang kanilang mga anak. Marami ang nagduda sa paliwanag na ito ni Manny.
THE PARTIES INVOLVED SPEAK UP. Pagbalik ni Manny sa Pilipinas ay napabalita na hindi niya kasabay si Jinkee pag-uwi dahil hindi pa sila nagkakasundo. Ayon sa report, kumuha raw ng ibang flight si Jinkee at hindi sumabay kay Manny. Pero nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Manny sa NAIA noong Biyernes, November 20, ay kasabay niya si Jinkee na dumating.
Hindi man direktang napag-usapan ang tungkol sa balita kina Manny at Krista, sinabi ng Pambansang Kamao sa isang interview pagdating niya na walang problema sa kanilang pamilya. At upang patunayan ito ay naghalikan pa sila ni Jinkee sa harap ng kamera. Ganito rin ang naging eksena sa victory party na inihandog sa kanya ng GMA-7 sa SM Mall of Asia kinahapunan.
Ilang araw lamang ang nakalipas mula nang siya'y dumating, nagsalita na rin sa wakas si Manny tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Krista. Kung noon ay "no comment" ang isinasagot niya sa tuwing tinatanong tungkol sa kanila ni Krista, sa pagkakataong ito ay idiniin ng Pambansang Kamao na "matalik na magkaibigan" lamang sila ng aktres.
Nagpaunlak na rin ng interview si Jinkee sa Showbiz Central noong Linggo, November 23. Hindi man direktang sinagot ni Jinkee ang pag-uugnay sa kanyang mister at kay Krista, inamin niya na ito na ang pinakamalaking pagsubok na dumating sa pagsasama nila ni Manny.
Sinabi rin ni Jinkee na naniniwala siyang maraming babaeng "lumalapit at nagpapapansin" kay Manny dahil sa tagumpay na tinatamasa ng kanyang asawa.
Sa ngayon ay si Krista na lamang ang hindi nagsasalita tungkol sa isyung ito, bagamat nagbigay na ng kanilang pahayag ang kanyang pamilya at ang kanyang manager upang ipagtanggol siya.
Ayon sa reports, nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Krista sa susunod na linggo. Magkakaroon din daw ng press conference kung saan inaasahan na sasagutin na ng aktres ang mga intriga at batikos sa kanya kaugnay ng relasyon diumano nila ni Manny. - Erwin Santiago, PEP
Krista camp hopes Pacman's denial will put issue to rest
Tuesday, November 24, 2009
Posted by
Watch Replay
at
6:49 AM
Etiquetas
- $25 million for Manny (1)
- 100.3 RJFM (1)
- 100.7 The Bone Rocks (1)
- 101.1 YES FM Manila (1)
- 102.3 FM DOMINICAN RADIO MANAOAG (1)
- 103.5 MaxFM (1)
- 104.3 Business Radio (1)
- 104.7 IFM Dagupan (1)
- 105.1 Crossover CD (1)
- 105.1 Crossover FM (1)
- 105.9 RJ Underground (1)
- 106.3 HotFM Dagupan (1)
- 1161 Khz DWCM Dagupan (1)
- 1197 Khz DXFE (1)
- 1233 KhZ DYVS Bacolod City (1)
- 1278 Khz Radyo Magazine (1)
- 1314 khz DWXI AM (1)
- 1476 DXRJ - Iligan (1)
- 1530 Khz DZME (1)
- 2012 Movie Live Stream (1)
- 24/7 HQ Movies in H264 (1)
- 3 million tourists visit RP in 2009 (1)
- 558 Khz RMN News (1)
- 612 Khz RMN Cebu (1)
- 648 Khz Aksyon Radio Cebu (1)
- 666 Khz DZRH (1)
- 684 Khz DYEZ Aksyon Radyo Bacolod (1)
- 702DZAS (1)
- 720 Dunk (1)
- 720 Khz Aksyon Radio Iloilo (1)
- 738 Khz DZRB (1)
- 747 Khz RMN Bacolod (1)
- 810 Khz DZRJ (1)
- 828 Khz RMN Cagayan De Oro (1)
- 846 Khz Radyo Veritas (1)
- 88.3 Jam (1)
- 882 Khz DWIZ (1)
- 89.1 Wave (1)
- 89.9 Magic FM (1)
- 91.5 Energyfm-Metromanila (1)
- 918 Khz Sports Radio (1)
- 92.3 XFM (1)
- 93.1 Monster Radio RX93.1 (1)
- 94.5 DWIP - FM Love Radio Santiago (1)
- 95.1 KissFM Lucena (1)
- 95.1 Love Radio Baguio (1)
- 96.3 DW ROCK (1)
- 96.3 WRock (1)
- 97.9 HomeRadio (1)
- 98.3 LOVE RADIO Dagupan (1)
- 99.5 Love Radio Legaspi (1)
- 99.5rt Rhythm of the City (1)
- 99.7 Radio Maria (1)
- Abs-cbn (1)
- Abs-CBN alternative Live Streaming Link (1)
- Abs-Cbn Live (1)
- Abs-Cbn Live Back up (1)
- Abs-Cbn Live Streaming Free for OFW's (1)
- Abscbn live (1)
- Ah1n1 Philippines (1)
- ALL START GAME EAST vs. WEST 2010 (1)
- All wwe smackdown episodes 2002-2007 (1)
- Alternative Link for pacman vs. cotto fight (1)
- Angry Pacquiao strikes back at Mayweathers (1)
- Another Day: New Michael Jackson Single Leaked onto YouTube [VIDEO] (1)
- Apple confirms death of iPhone worker in China (1)
- Arum Confirms Pacquiao Will Train In Baguio (1)
- athletics channel (1)
- Avatar Makes a Billion Dollars (1)
- BEST MOVIES EVER Live Stream (1)
- Big fine could be big trouble in downloading case (1)
- Bologna vs Juventus (1)
- Boy accidentally shoots dead dad (1)
- Brooke's Story (1)
- Cafe World Tips (1)
- Cavs acquire Shaq from Suns (1)
- Cavs shaq (1)
- Cavs vs. Magic Live Stream Game 6 (1)
- Cavs vs. Orlando - Game 5 (1)
- Cavs vs. Orlando - Game3 (1)
- Channel 2 (1)
- Channel 2 Live Stream (1)
- Channel 2 LIVE Streaming (1)
- Cleveland vs. Orlando Magic Game 2 (1)
- Clottey to rumble at Cowboys Stadium (1)
- Clottey ‘ready to shock world’ (1)
- CNN Feature: MAGUINDANAO MASSACRE (1)
- CNN Live Stream (1)
- CNN News (1)
- Congratulations Pacman (1)
- dead at 50 (1)
- Did You Know? We are living in exponential times (1)
- Donaire vs. Vargas Live Stream (1)
- Don’t write me off (1)
- Dragonball Z Entertainment Live Stream (1)
- Drug test issue could doom Pacquiao-Mayweather (1)
- DYRD-AM (1)
- elshaddai (1)
- ESPN Live Streaming (1)
- ESPNEWS Pacquiao - Cotto (1)
- Estrada gets laughs (1)
- fathers day (1)
- Floyd Mayweather Jr. Interview Can Pacquiao beat me (1)
- for God’s sake. (1)
- Free Downloadable Nintendo DS Lite Games (NDS Roms) (1)
- Funny Movies Online (1)
- Game ROMs (1)
- Gibo fighting to keep Pacquiao as Lakas-Kampi ally (1)
- GMA 7 Live Stream (1)
- Good guy vs. Bad guy set up (1)
- Google adds Moon to online Earth map service (1)
- Happy Boxing Day (1)
- How to waste your money (1)
- How To Write An Enye (or an N with a tilde) On A Mac (1)
- jackson died (1)
- Jinkee Pacquiao Crying Video (1)
- Jinkee Pacquiao wants husband Manny to retire from boxing (1)
- Kapamilya Live (1)
- kapamilya online tv (1)
- Kapuso Live (1)
- kazaa (1)
- Kazaa downloads cost woman $2.4m (1)
- Krista camp hopes Pacman's denial will put issue to rest (1)
- Krista Ranillo to watch Manny-Clottey fight? (1)
- Lakers vs Magic Game 3 Highlights - 2009 NBA Finals - Orlando beats LA 108-104 (1)
- Lakers vs. Magic - Game 2 Live (1)
- Lakers vs. Magic - Game 2 Live 2 feed (1)
- Lakers vs. Magic - Game 2 Live 3 feed (1)
- Lakers vs. Magic - Game 4 Highlights (1)
- Lakers vs. Magic Game 1 - Live Stream 2 (1)
- Lakers vs. Magic Game 1 - Live Stream 3 (1)
- Lakers vs. Magic Game 5 Live stream 3 (1)
- Lakers vs. Magic Game 5 Live stream 4 (1)
- Lakers vs. Magic Games 5 Live Stream (1)
- Lakers vs. Magic live stream 2 (1)
- Lakers vs. Nuggets Game 5 (1)
- Lakers vs. Nuggets Game 6 (1)
- Lakers vs. Orlando (1)
- Lakers vs. Orlando - Game 1 (1)
- Lakers vs. Orlando - Game 1 Live Feed (1)
- Latest blog post of Manny Pacquiao (1)
- Lips106 FM-Manila (1)
- live pacman mayweather (1)
- live stream pacman mayweather (1)
- live stream pacquiao vs. mayweather (1)
- Luger (Open Sled) Nodar Kumaritashvili Killed During Olympic Practice (1)
- Magic vs. Lakers Game 1 Highlights (1)
- Magnitude 5 quake hits Luzon (1)
- Manny Pacquiao and Floyd Mayweather: Comparing Their Talent and Character (1)
- Manny Pacquiao ESPN interview (1)
- MANNY PACQUIAO SINGS at YAHOO SPORTS - PACQUIAO VS COTTO (1)
- Manny Pacquiao Sings Nothing's Gonna Change My Love For You (1)
- Manny Pacquiao tempted to challenge for eighth world title (1)
- Manny Pacquiao's response to Mayweather Jr. (1)
- Manny Pacquiao's unbelievable handspeed (1)
- Manny still hoping to fight Floyd (1)
- Mayweather agrees to fight pacquiao on march 13 (1)
- Mayweather avoiding Pacquiao (2)
- Mayweather blames Pacquiao for failed talks over fight (1)
- Mayweather fears losing–Pacquiao (1)
- Mayweather Jr on Manny Pacquiao vs Miguel Cotto on Brian Kenny (1)
- Mayweather vs. Marquez Live Streaming Free (1)
- Mayweather ‘afraid’ of Manny (1)
- Mayweather: Fight a welterweight (1)
- Michael Jackson (1)
- Michael Jordan (1)
- Michael Jordan and Kobe Bryant Top 10 Dunks (1)
- Michael Jordan Top Ten (1)
- MMA in HQ (1)
- Movies IN H.264 (1)
- NBA ALL-STAR GAME 2010 Live Streaming (1)
- Nba Live Streaming (1)
- Nintendo DS Lite (1)
- Non Stop Movies Live Stream (1)
- NU107 FM (1)
- Obama campaigner preaches new media in RP (1)
- offers apology (1)
- One Website Does Your Resolutions for You … Almost (1)
- Other ways on how to watch Manny Pacquiao vs. Miguel Cotto live stream for Free (2)
- Pacman - Mayweather fight IS OFF (1)
- Pacman dancing with the losers (1)
- Pacman leaving Jimmy Kimmel Live with a mysterious woman (1)
- Pacman tickets sold out (1)
- Pacman vows to help athletes (1)
- Pacman vs. Clottey video (1)
- Pacman vs. Cotto Pics (1)
- Pacman-Floyd purse split 'done in 5 minutes' (1)
- Pacquiao (1)
- Pacquiao breaks silence over Krista Ranillo Issue (1)
- Pacquiao denies Krista affair (1)
- Pacquiao drug tests negative (1)
- Pacquiao eyes March title fight with Clottey--report (1)
- Pacquiao gets inked up: Aims new meteor tattoo on Floyd Mayweather Jr. (1)
- Pacquiao hurts Roach's chin in gym (1)
- Pacquiao starts early US training next week (1)
- Pacquiao talks about his blood test 2 days before the 1st Morales fight. (1)
- PACQUIAO VS CLOTTEY: Catchweight or no catchweight (1)
- Pacquiao vs Clottey: Set Up OR Sacrificial Lamb? (1)
- Pacquiao vs. Clottey Live Streaming Free (2)
- Pacquiao vs. Clottey prediction (1)
- Pacquiao vs. Cotto Highlights (1)
- Pacquiao vs. Cotto Replay Video (1)
- pacquiao vs. mayweather live stream (1)
- Pacquiao will knock out Mayweather– Roach (1)
- Pacquiao – Clottey Road To Dallas Videos (1)
- Pacquiao-Clottey Quick Quotes (1)
- Pacquiao-Cotto Free Live Streaming Video (1)
- Pacquiao-Mayweather 24/7 sneak peek (1)
- Pacquiao-Mayweather off (1)
- Pacquiao’s negative drug test result not surprising - Koncz (1)
- panama vs gudalupe / mexico vs nicaragua en vivo (1)
- Paranormal Activity Movie Live Streaming (1)
- Part 1 Interview with Manny Pacquiao and his wife Jinkee (1)
- Photoshop is Magic (1)
- Pinoy Power 3 Live Stream (1)
- piracy (1)
- pop music legend (1)
- Professional Manny wins twin ‘Fighter’ honors in US (1)
- Radyo Natin (1)
- Rico Blanco - Antukin (1)
- RJ 96.5 Tugugegarao (DWRJ-FM) (1)
- Roach compares Pacquiao to Ali and Robinson (Video) (1)
- Roach sees exciting Pacman-Clottey bout (1)
- Roach: It’ll be over in nine; Arum disagrees (1)
- Roach: Manny inks deal to fight Mayweather (1)
- Roads Ripped Apart in Chile (1)
- says Clottey (1)
- says DoH (1)
- shaq lebron (1)
- Ten words you need to stop misspelling (1)
- Teodoro (1)
- that is the question (1)
- THE GIRL WHO DOESN'T AGE (1)
- the ladies (1)
- The New Moon Movie (1)
- Three Reasons to Keep Paper Books (1)
- Top Rank boss: The fight is off (1)
- Top Sarangani officials snub Pacquiao’s arrival (1)
- Trapped Girls Updated Facebook Status Instead of Calling For Help (1)
- Tricks and Cheats (1)
- Tsunami waves to hit RP starting 1 p.m (1)
- TV From Chile live Stream (1)
- twitter busy (1)
- twitter for busy people (1)
- twitterforbusypeople (1)
- UFCTV Live Stream (1)
- Villar wants Pacquiao deal for 2010 polls (1)
- Watch Avatar Movie Live Online (1)
- Watch Discovery Channel Live Streaming (1)
- WHY "MONEY" IS AVOIDING MANNY (1)
- Why mosquitoes prefer some to others (1)
- windows xp (1)
- windows xp service pack (1)
- Windows XP Service Pack 3 (SP3) Available For Download (1)
- Woman with H1N1 dies (1)
- WS TV WWE EXTREAM RULES RAW ECW (1)
- yweather vs. Marquez Live Streaming Free (1)

